Kampanya Tungo Sa Kamalayang Panlipunan Sa Pamamagitan Ng Multimedia (Social Media Awareness Campaign) Question Preview (ID: 56134)
Subukin At Balikan Ng Paksang Kampanya Tungo Sa Kamalayang Panlipunan Sa Pamamagitan Ng Multimedia (Social Media Awareness Campaign).
TEACHERS: click here for quick copy question ID numbers.
1. Ang “Beep, Beep…” ay inawit ni Willie Revillame, isang popular na host sa telebisyon, ano ang imaheng ginamit sa awitin na naglalarawan sa kulturang Pilipino?
a) A. Kalesa
b) B. Kotse
c) C. Tricycle
d) D. Jeep
2. “Napakahaba na naman ng pila sa MRT. Lagi na lang ba akong maghihintay? Lahat na lang ba ng bagay hihintayin ko?” Anong katotohanan sa hugot lines ang inilalarawan?
a) A. Ang tunay na pag-ibig ay makapaghihintay.
b) B. Maraming tao ang naghihintay sa pagdating ng tren.
c) C. Nagbubunga ng positibo ang sinomang kayang maghintay.
d) D. Walang imposible sa pangarap na pinagsumikapan.
3. Ang Aldub ay isang kakatwang phenomenon. Sinupling ito ng mga anyo ng kulturang popular, bahagi ito ng isang noontime variety show na kalaunan ay tinawag na kalyeserye. Anong mahihinuha sa pamagat ng serye?
a) A. Serye ng pagmamahalan
b) B. Serye na puno ng katatawanan
c) C. Serye na nagaganap sa kalye
d) D. Serye ng mga awiting Pinoy
4. Ang Dekada ‘70 ay isang nobela at pelikulang Pilipino ni Lualhati Bautista na pagsasalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng isang pamilyang nahagip sa kalagitnaan ng mga magulong dekada ng 1970. Anong tiyak na panahon ang inilalarawan?
a) A. Kontemporaryong Panahon
b) B. Panahon ng Bagong Lipunan
c) C. Panahon ng Kastila
d) D. Panahon ng Martial Law
5. Ito ay anyo ng print media na nagbabalita ng napapanahong pangyayaring naganap sa isang tiyak na lugar o bansa.
a) A. Pahayagan
b) B. Komiks
c) C. Broadsheet
d) D. Pocketbook
1. Maraming nakaraan ng pagiging purita sa panahon ng pandemya. Ang salitang purita ay matutukoy na anong antas ng wika?
a) A. Kolokyal
b) B. Karaniwan
c) C. Balbal
d) D. Lalawiganin
2. “Kung may uulitin ako sa buhay ko, gusto kong ulitin yung araw na nakilala kita. Kahit ilang beses, kahit paulit-ulit, kahit habang buhay pa.” Anong layunin ang nangingibabaw sa pangunahing tauhan batay sa pahayag?
a) A. Ipadama ang pagmamahal
b) B. Sakripisyo sa buhay
c) C. Isiwalat ang galit
d) D. Matinding panibugho
3. Bumuo si Yorme ng programang makatutulong sa mga mag-aaral. Aling salita sa pangungusap ang maituturing na wika sa multimedia?
a) A. Mag-aaral
b) B. Bumuo
c) C. Yorme
d) D. Programa
4. Ang teleseryeng Probinsyano na pinagbibidahan ni Cardo ay maituturing na salamin ng mga usaping panlipunan sa kasalukuyang panahon kaya patuloy itong tinatangkilik ng mga manonood. Anong ekspresyong hudyat ang isinasaad sa pangungusap?
a) A. Dahilan-Bunga
b) B. Gamit-Layon
c) C. Paraan-Resulta
d) D. Panimula-Wakas
5. Maaari mong gamitin ang coronavirus gamit ang mga antibayotiko o mga gamot laban sa Malaria. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag?
a) A. Katotohanan
b) B. Damdamin
c) C. Opinyon
d) D. Hinuha
Play Games with the Questions above at ReviewGameZone.com
To play games using the questions from above, visit ReviewGameZone.com and enter game ID number: 56134 in the upper right hand corner or click here.
To play games using the questions from above, visit ReviewGameZone.com and enter game ID number: 56134 in the upper right hand corner or click here.
TEACHERS / EDUCATORS
Log In | Sign Up / Register
Log In | Sign Up / Register