Edukasyon Sa Pagpapakatao Question Preview (ID: 29966)


Maikling Pagsusulit. TEACHERS: click here for quick copy question ID numbers.

May batang katutubo na lumipat sa inyong paaralan, naging kaklase mo ito. Ano ang dapat mong gawin?
a) a.Pagtatawanan siya dahil kakaiba siya.
b) Kakaibiganin ko siya.
c) Hindi ko siya papansinin.
d) Susungitan ko siya.

Si Ekang ay nabibilang sa pangkat-etniko ng mga Aeta. Palagi siyang tinutukso ng kanyang kamag-aaral. Isang araw, nakita mo siyang umiiyak at hindi na nais mag-aral pa. Ano ang iyong gagawin sa kanya?
a) Tutuksuhin at pagtatawanan din si Ekang.
b) Isusumbong sa guro ang nangyari kay Ekang.
c) Payuhan na huwag magpaapekto sa panunukso ng iba.
d) Sabihan na magsumbong sa mga magulang at parusahan ang nanunukso sa kanya.

Mayroon kang kaklase na Bisaya at hirap siyang magsalita sa wikang tagalog dahil bago lamang silang lipat sa inyong Barangay. Ano ang iyong gagawin?
a) Gayahin ang pagsasalita niya ng Bisaya at pagtawanan.
b) Sabihang magpalipat na lamang sa ibang eskwelahan.
c) Turuan mo siyang magsalita ng tagalong.
d) Huwag pansinin ang bagong kaklase.

Napansin mo na ang damit na isinusuot ng iyong kaklase na Ibaloy ay kadalasang punit-punit o sira-sira na. Ano ang iyong gagawin upang makatulong sa kanya?
a) Ipamahagi sa kanya ang mga luma ngunit maayos at kasya pang damit.
b) Hayaan na lamang ang kanyang kasuotan.
c) Ipagkalat ang kanyang pagsusuot ng sira-sirang damit.
d) Ipatahi sa ina ang sira-sira niyang damit.

May ibinigay na pangkatang Gawain ang inyong guro, at naatasan kang maging ka-grupo ang bagong kaklase na Aeta. Ano ang iyong gagawin?
a) Sasabihin sa guro na iba na lang ang ka grupo.
b) Huwag siyang pansinin sa grupo.
c) Kakausapin siya at tutulungan na makipagka-isa sa Gawain.
d) Wala sa nabanggit

Mayroon kayong bagong kamag-aral na Maranao at di siya matatas na magsalita ng tagalog. Ano ang nararapat mong gawin?
a) Layuan mo siya dahil siya ay naiiba.
b) Huwag mo na lamang siyang pansinin.
c) Kausapin at tulungan mo siyang matutunan ang iyong dayalekto.
d) Pagtawanan siya dahil kakaiba ng kanyang paraan ng pagsasalita.

Sa isang lakbay-aral natunghayan mo kung papaano namumuhay ang mga Agta. Nakita mo na kakaiba ang kanilang kasuotan kumpara sa nakasanayan mo. Ano ang iyong magiging reaksyon?
a) a. Pagtatawanan ko siya dahil sa kakaiba ang kanyang paraan ng pananamit
b) Pupunahin ko at kukutyain ang kanyang pisikal na mga katangian.
c) Irerespeto ko ang kanilang nakagawian.
d) Hindi ko sila papahalagahan

Binigyan ka ng iyong kaibigan ng isang pitakang pampangkat etniko na gawa ng mga Ifugao. Ano ang iyong mararamdaman?
a) Matutuwa ako dahil nagkaroon ako ng isang mahalaga at katangi-tanging bagay.
b) Mas nanaisin ko na magkaroon ng bagay na nagmula sa ibang bansa
c) Magpapasalamat ako ngunit hindi ko ito gagamitin
d) Wala sa mga nabanggit.

Ang isa sa iyong kamag-aral ay mayroong amang Amerikano at inang Pilipino. Siya ba ay maituturing mong Pilipino?
a) Opo, dahil siya ay mayroong dugong Pilipino.
b) Hindi, dahi ang kanyang ama ay Amerikano.
c) Pwede, dahil mukha parin siyang Pilipino.
d) Wala sa mga nabanggit.

Inalok ka ng iyong kaibigang mula sa Davao na tikman ang kanyang dala-dalang durian. Ano ang iyong gagawin?
a) Susubukan kong tikman ito upang matutunan ko ang isa sa kanilang pinagkakakilanlan.
b) Hindi ko ito kakainin dahil di ko nagugustuhan ang amoy nito
c) Babaliwalain ko ito at sasabihin na sa iba na lamang ialok
d) Wala sa nabanggit

Play Games with the Questions above at ReviewGameZone.com
To play games using the questions from above, visit ReviewGameZone.com and enter game ID number: 29966 in the upper right hand corner or click here.

TEACHERS / EDUCATORS
Log In
| Sign Up / Register