Review Game Zone
Flash Cards
(current)
Games
Teachers
Search
Edukasyon Sa Pagpapakatao
Test Description: Maikling pagsusulit
Instructions: Answer all questions to get your test result.
1) May batang katutubo na lumipat sa inyong paaralan, naging kaklase mo ito. Ano ang dapat mong gawin?
A
a.Pagtatawanan siya dahil kakaiba siya.
B
Hindi ko siya papansinin.
C
Susungitan ko siya.
D
Kakaibiganin ko siya.
2) Si Ekang ay nabibilang sa pangkat-etniko ng mga Aeta. Palagi siyang tinutukso ng kanyang kamag-aaral. Isang araw, nakita mo siyang umiiyak at hindi na nais mag-aral pa. Ano ang iyong gagawin sa kanya?
A
Sabihan na magsumbong sa mga magulang at parusahan ang nanunukso sa kanya.
B
Isusumbong sa guro ang nangyari kay Ekang.
C
Payuhan na huwag magpaapekto sa panunukso ng iba.
D
Tutuksuhin at pagtatawanan din si Ekang.
3) Mayroon kang kaklase na Bisaya at hirap siyang magsalita sa wikang tagalog dahil bago lamang silang lipat sa inyong Barangay. Ano ang iyong gagawin?
A
Huwag pansinin ang bagong kaklase.
B
Sabihang magpalipat na lamang sa ibang eskwelahan.
C
Gayahin ang pagsasalita niya ng Bisaya at pagtawanan.
D
Turuan mo siyang magsalita ng tagalong.
4) Napansin mo na ang damit na isinusuot ng iyong kaklase na Ibaloy ay kadalasang punit-punit o sira-sira na. Ano ang iyong gagawin upang makatulong sa kanya?
A
Ipamahagi sa kanya ang mga luma ngunit maayos at kasya pang damit.
B
Ipatahi sa ina ang sira-sira niyang damit.
C
Ipagkalat ang kanyang pagsusuot ng sira-sirang damit.
D
Hayaan na lamang ang kanyang kasuotan.
5) May ibinigay na pangkatang Gawain ang inyong guro, at naatasan kang maging ka-grupo ang bagong kaklase na Aeta. Ano ang iyong gagawin?
A
Kakausapin siya at tutulungan na makipagka-isa sa Gawain.
B
Wala sa nabanggit
C
Sasabihin sa guro na iba na lang ang ka grupo.
D
Huwag siyang pansinin sa grupo.
6) Mayroon kayong bagong kamag-aral na Maranao at di siya matatas na magsalita ng tagalog. Ano ang nararapat mong gawin?
A
Kausapin at tulungan mo siyang matutunan ang iyong dayalekto.
B
Huwag mo na lamang siyang pansinin.
C
Layuan mo siya dahil siya ay naiiba.
D
Pagtawanan siya dahil kakaiba ng kanyang paraan ng pagsasalita.
7) Sa isang lakbay-aral natunghayan mo kung papaano namumuhay ang mga Agta. Nakita mo na kakaiba ang kanilang kasuotan kumpara sa nakasanayan mo. Ano ang iyong magiging reaksyon?
A
Irerespeto ko ang kanilang nakagawian.
B
Hindi ko sila papahalagahan
C
Pupunahin ko at kukutyain ang kanyang pisikal na mga katangian.
D
a. Pagtatawanan ko siya dahil sa kakaiba ang kanyang paraan ng pananamit
8) Binigyan ka ng iyong kaibigan ng isang pitakang pampangkat etniko na gawa ng mga Ifugao. Ano ang iyong mararamdaman?
A
Magpapasalamat ako ngunit hindi ko ito gagamitin
B
Wala sa mga nabanggit.
C
Mas nanaisin ko na magkaroon ng bagay na nagmula sa ibang bansa
D
Matutuwa ako dahil nagkaroon ako ng isang mahalaga at katangi-tanging bagay.
9) Ang isa sa iyong kamag-aral ay mayroong amang Amerikano at inang Pilipino. Siya ba ay maituturing mong Pilipino?
A
Wala sa mga nabanggit.
B
Pwede, dahil mukha parin siyang Pilipino.
C
Opo, dahil siya ay mayroong dugong Pilipino.
D
Hindi, dahi ang kanyang ama ay Amerikano.
10) Inalok ka ng iyong kaibigang mula sa Davao na tikman ang kanyang dala-dalang durian. Ano ang iyong gagawin?
A
Babaliwalain ko ito at sasabihin na sa iba na lamang ialok
B
Wala sa nabanggit
C
Hindi ko ito kakainin dahil di ko nagugustuhan ang amoy nito
D
Susubukan kong tikman ito upang matutunan ko ang isa sa kanilang pinagkakakilanlan.
*select an answer for all questions
Check Results & Get Answers
Play Games with the Questions Above
Teachers: Create FREE classroom games with your questions
Click for more info!
©2007-2024
ReviewGameZone.com
|
About
|
Privacy
|
Contact
|
Terms
|
Site Map
WAIT! Find what you needed?
×
Still Looking for the Answers?
Have Another Question?
Play a Review Game with These Questions?
Want to Make Your Own Test Like This One?