1. Ang “Beep, Beep…” ay inawit ni Willie Revillame, isang popular na host sa telebisyon, ano ang imaheng ginamit sa awitin na naglalarawan sa kulturang Pilipino?
2. “Napakahaba na naman ng pila sa MRT. Lagi na lang ba akong maghihintay? Lahat na lang ba ng bagay hihintayin ko?” Anong katotohanan sa hugot lines ang inilalarawan?
3. Ang Aldub ay isang kakatwang phenomenon. Sinupling ito ng mga anyo ng kulturang popular, bahagi ito ng isang noontime variety show na kalaunan ay tinawag na kalyeserye. Anong mahihinuha sa pamagat ng serye?
4. Ang Dekada ‘70 ay isang nobela at pelikulang Pilipino ni Lualhati Bautista na pagsasalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng isang pamilyang nahagip sa kalagitnaan ng mga magulong dekada ng 1970. Anong tiyak na panahon ang inilalarawan?
5. Ito ay anyo ng print media na nagbabalita ng napapanahong pangyayaring naganap sa isang tiyak na lugar o bansa.
1. Maraming nakaraan ng pagiging purita sa panahon ng pandemya. Ang salitang purita ay matutukoy na anong antas ng wika?
2. “Kung may uulitin ako sa buhay ko, gusto kong ulitin yung araw na nakilala kita. Kahit ilang beses, kahit paulit-ulit, kahit habang buhay pa.” Anong layunin ang nangingibabaw sa pangunahing tauhan batay sa pahayag?
3. Bumuo si Yorme ng programang makatutulong sa mga mag-aaral. Aling salita sa pangungusap ang maituturing na wika sa multimedia?
4. Ang teleseryeng Probinsyano na pinagbibidahan ni Cardo ay maituturing na salamin ng mga usaping panlipunan sa kasalukuyang panahon kaya patuloy itong tinatangkilik ng mga manonood. Anong ekspresyong hudyat ang isinasaad sa pangungusap?
5. Maaari mong gamitin ang coronavirus gamit ang mga antibayotiko o mga gamot laban sa Malaria. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag?
Teachers: Create FREE classroom games with your questions Click for more info!
©2007-2024 Review Game Zone | About | Privacy | Contact | Terms | Site Map
©2007-2024 Review Game Zone | About | Privacy | Contact | Terms | Site Map