May batang katutubo na lumipat sa inyong paaralan, naging kaklase mo ito. Ano ang dapat mong gawin?
Si Ekang ay nabibilang sa pangkat-etniko ng mga Aeta. Palagi siyang tinutukso ng kanyang kamag-aaral. Isang araw, nakita mo siyang umiiyak at hindi na nais mag-aral pa. Ano ang iyong gagawin sa kanya?
Mayroon kang kaklase na Bisaya at hirap siyang magsalita sa wikang tagalog dahil bago lamang silang lipat sa inyong Barangay. Ano ang iyong gagawin?
Napansin mo na ang damit na isinusuot ng iyong kaklase na Ibaloy ay kadalasang punit-punit o sira-sira na. Ano ang iyong gagawin upang makatulong sa kanya?
May ibinigay na pangkatang Gawain ang inyong guro, at naatasan kang maging ka-grupo ang bagong kaklase na Aeta. Ano ang iyong gagawin?
Mayroon kayong bagong kamag-aral na Maranao at di siya matatas na magsalita ng tagalog. Ano ang nararapat mong gawin?
Sa isang lakbay-aral natunghayan mo kung papaano namumuhay ang mga Agta. Nakita mo na kakaiba ang kanilang kasuotan kumpara sa nakasanayan mo. Ano ang iyong magiging reaksyon?
Binigyan ka ng iyong kaibigan ng isang pitakang pampangkat etniko na gawa ng mga Ifugao. Ano ang iyong mararamdaman?
Ang isa sa iyong kamag-aral ay mayroong amang Amerikano at inang Pilipino. Siya ba ay maituturing mong Pilipino?
Inalok ka ng iyong kaibigang mula sa Davao na tikman ang kanyang dala-dalang durian. Ano ang iyong gagawin?
Teachers: Create FREE classroom games with your questions Click for more info!
©2007-2024 Review Game Zone | About | Privacy | Contact | Terms | Site Map
©2007-2024 Review Game Zone | About | Privacy | Contact | Terms | Site Map